Monday, February 22, 2010

reminds me

Mula kagabi hanggang ngayon di ako mapakali. Pano ba naman? lahat na lang ng bagay na makita at mabasa ko... naaalala kita.

Kagabi, nagbasa ulit ako ng blog na Strange Love Addictions. At habang binabasa ko ang bawat linya sa blog na iyon, nahihirapan akong huminga. Ayun! unti unting nabubuo sa utak ko na nagkakatotoo na nga ang mga naiisip kong pwedeng mangyari o maaaring nangyayari na nga nung mga oras na magkasama tayo.

Grrr... parang gusto kong magmura kagabi. Pati pala sya nainlove na sayo. hayyy... alam mo bang kaya ko lang naman binabasa ang mga blogs nya ay para makakuha ng idea kung anong nangyayari dyan simula nung panahong nawala ako. At ayun tama nga ako, gusto ka na niya. Marahil yun ang dahilan kung kaya noon pa man, malayo na ang loob nya saken... dahil may pagtingin sya sayo. Ang dahilan kung bakit di nya ko matingnan sa mata at kung bakit bigla na lang syang nagsusuot ng mga bestida at nagsuot ng mga sapatos na may takong. Pakiramdam ko, ginagaya nya ko sa pag-aakalang magugustuhan mo sya. Sa pag-aakalang magkakainteres ka sa kanya ng higit pa sa kaibigan. Haha!

Marahil nahigitan pa nya ko ngayon dahil mukhang mapagbigay sya. Bibigay nya sayo lahat. Di ka nya matitikis... Kaya ka nyang sabayan sa pagyoyosi, kaya nyang mag-astang lalaki para sayo, kaya ka nyang halikan sa harap ng maraming tao at marahil mas kaya nyang maging number 2 sa buhay mo. Mga bagay na hindi ko kayang ibigay.

Minahal din naman kita, alam mo ba yun? Kaya lang may mga kundisyon ka. Alam kong kakayanin ko ang mga kundisyon na yun... hindi ko nga lang masasabi kung hanggang kailan... Dahil sa simula pa lang mahirap na. Maliban sa pangalawa lang ako sa legal mong nobya, nandyan pa ang nakikita kong harapang pagpapansin ng mga babae sa paligid mo. At syempre sabi mo nga, lalake ka... mahirap tumanggi sa palay.

Kabadtrip ka talaga kahit kelan...
Kabadtrip ka dahil hanggang ngayon di kita matanggal sa facebook at ym friends ko. Nahihirapan man ako, gusto kong malaman ang nangyayari sayo.
Kabadtrip ka dahil pinayagan kong magaing tagahanga ako ng banda mo sa facebook.
Kabadtrip ka dahil pati ang site ng unang tayo mong negosyo, binibisita ko.
Kabadtrip ka dahil nung mapanood ko ang paghingi ng paumanhin ni Tigerwoods dahil sa pangangaliwa nya, naalala kita. Parang ikaw lang sya...
Kabadtrip ka dahil kahit wala na tayo, tanga pa rin ako dahil sayo.

1 comment: