Bigla kong naalala na may blog nga pala ko tungkol sa buhay pag-ibig. Napakaganda pa man din ng titulo nito, "Happy Single Life". Sabi ko kase sa sarili ko 6 years ago, "I am alone but I am not lonely".
Ngayong 26 na ko, single pa rin ako at hindi pa rin naiinlove... Hindi ko na masabing "I am not lonely" dahil natatakot na kong mawala sa kalendaryo.
Hindi naman ganito ang nararamdaman ko dati hanggang sa napanood ko ang "That thing called tadhana". Pagkatapos kong mapanood ang pelikula, naramdaman ko na ang dami-dami kong hindi nararanasan sa mundo. Biglang gusto kong mapana ni kupido. Yung maiinlove talaga ako ng todo... handa akong masaktan, umiyak at mawala sa sarili. Yung pakiramdam na kahit na may sakit na kasama yung pagiging inlove, ok lang kase at least naranasan mong umibig.
Iniisip ko kung may mali ba sa ginagawa ko kaya hindi tumitibok ang puso ko... Nang-entertain naman ako sa mga nagtangkang lumigaw sa ken, wala lang talagang swak. Sabi kase ng mga kaibigan kong masaya sa mga karelasyon nila, dapat may "spark"... sad to say, wala naman akong naramdamang ganun.
Madami na rin naman akong ginawa para mahanap si Mr. Right.
(1) Nakasali na ko ng dalawang speed dating.
(2) Pumayag naman ako sa mga blind dates na inayos ng mga kaibigan ko.
(3) Umakyat ako ng Pulag para maghanap ng potential partner sa mga kasama kong mountaineers (noon kase mabilis makuha ang atensyon ko ng mga lalaking may magandang balikat at braso).
(4) At ang pinakahuli kong ginawa ngayong Feb 14, sumali ako sa Singles Road Trip. Ano yun? Yun yung weekend trip na eksklusibo para sa mga solo flight sa pag-ibig. Mahilig akong maglakwatsa kaya pinush ko at gumora kahit di ko alam kung san kami pupunta. Sabi ko sa sarili ko, at least puro single ang kasama... malamang may trabaho din sila dahil may pambayad silang P4500.. at ang pinakaimportante sa lahat, mahilig silang maglakwatsa at sigurado akong wala silang takot umitim o madumihan. Pagkatapos ng lakwatsa, di naman ako nadismaya sa mga sumali sa lakad, pasok naman sila sa minimum requirements. Kaya lang wala pa ring "spark"...
Hay pag-ibig... Kelan ka ba kakatok? Pwedeng pakibilisan? Naiinip na kase ako.

No comments:
Post a Comment