It's a diary of a 24 year old girl pretending to be a woman and how she tries to find happiness in being single while waiting for Mr. Right.
Thursday, April 15, 2010
Si Kras RRR
Sino ang korni? Ako.
Sino ang baduy? Ako din.
Sino ang hopeless romantic? Ako pa din.
Sa sobrang kakornihan ko, kung ano ano ang naiisip ko. Pano ba naman, ang hina mong makagets. Ang bagal mong bumasa... Ang dami ng senyales, parang wala pa rin sayo. Minsan hindi ko maintindihan kung alin ang dapat kong unahin, turuan kang bumasa o gawin ang sarili kong reader friendly.
" Prove that Y > X ".
" ang kras (crush) ko sa opisina ay may letrang R"
" ang kras ko ay may katangkaran"
" ang kras ko ay may nobya (dati)"
" You cannot shit in your own backyard"
Ang problema pa sayo, para kang babae. Kailangan may tamang timing ang mga banat sayo. Kung nagkataon lang na hindi ka ganyan, diniretso na kita.
Wag kang mag-alala, pagmamasdan pa kita at pagmumunian ng dalawang buwan. Marahil ay sapat na ang panahong yon para malaman ko kung itutuloy ko pa tong kabaduyan ko o hindi. Sa ibang salita, kikilatisin muna kita... Mahilig ako sa mga bad boys, sa mga taken na at mayayabang na tao. Hindi kaya, naging kakaiba ka kaya kita nagustuhan? Hmmm... Pwede. Abangan ang susunod na kabanata.
Hehe... baka naman pwede mo ring sabihing "Likes this" kapag nabasa mo to.
Labels:
baduy,
Chinita,
happy single life,
hopeless romantic,
kabaduyan,
korni,
kras,
likes this,
RRR
Subscribe to:
Posts (Atom)